Taga Hanga
Gusto kong sumigaw
Gusto kong sabihin ang buo mong pangalan
Gusto kong sabihing mahal na mahal kita.
Pero paano nga ba ?
Paano ko isisigaw kung pinipigilan ako ng aking kaba.
Paano ko sasabihin ang buo mong pangalankung namimilipit ang aking dila.
Paano ko sasabihin na mahal na mahal kita kung may mahal ka ng iba.
Natatakot na masaktan
Natatakot na mabalewala.
Sana naman dumating ang araw na
Makakasigaw ako ng walang pumipigil
Masasabi ang buo mong pangalan ng hindi namimilipit ang dila
Masasabi ko sa mundo na mahal kita.
Kahit isa lang ako sa taga hanga mo.
Sinta.
Dalawang salita
Paano pag sawa ka na ?
Paano kung pagod ka na ?
Paano kung ayaw mo na pinipilit mo lang talaga para hindi ako masaktan ng lubusan,
Kasi alam mong kung ano ang aking pinagdaanan,
Bago ka dumating sa buhay ko?
Iiwan mo kaya ako tulad ng ginawa nya?
Iiwan mo ko na parang ikaw lang yung napagod.
Iiwan mo lang ako na para ikaw lang yung gustong sumuko.
Iiwan mo lang ako na parang ikaw lang yung nagsawa sa mga away na paulit ulit nalang.
Ako tinanong mo ba ako?
Tinanong mo ba ako kung pagod na ako?
Tinanong mo ba ako kung nagsasawa na ako?
Tinanong mo ba ako kung nagsasawa na ako sa mga Away natin na pulit ulit nalang ?
pagod na ako
Gusto ng sumuko
Sawang sawa na ako sa paulit ulit na away
pero hindi ako bumitaw
kasi mahal kita, mahal na mahal kita
Hindi ko kayang Bitawan ang dalawang salita para lang sa pagod na ako Dahil pwede naman magpahinga.Hindi ko kayang Bitawan ang dalawang salita para lang sa gusto ng sumuko kung pwede naman ipaglaban paHindi ko kayang Bitawan ang dalawang salita para lang sa sawang sawa na ako sa paulit ulit na pagaaway nating dalawa pwede naman magbati ng paulit ulit.kaya mahal kung ako ang tatanungin kung iiwan ba kita ?
Ang sagot ko lang ay dalawang salita at yun ang MAHAL KITA.
Kai-bigan
Nagsimula tayo sa magkaibigan
Nandyan ka palagi sa tuwing ako'y nasasaktan.
Nandyan ka palagi sa tuwing ako'y may problema.Nandyan ka palagi sa tuwing kami'y nagaaway
Ikaw ang aking naging sandalan
Ikaw lang naging sabihan
Ikaw ang aking KAIBIGAN.
Pero dumating ang araw na iba na ang nararamdaman
Iba na ang tinitibok ng puso
Iba na ang saya
Iba na ako sa tuwing kasama ka.
Pero kaibigan lang kita
Paano kung iba ang mahal mo at hindi ako
Paano kung kaibigan lang talaga ang turing mo
Pero ako'y nagulat sa biglang pagamin mo kaibigan
Na ako'y mahal mo rin pala.
Kaya'y ako't umamin na rin.
Mahal kita kaibigan .
Hindi lang basta sa pagkakaibigan
Mahal kita. Mahal na mahal kita kaibigan.
Masaya ako
Masaya ka
Masaya tayo.
Hindi ko man nasabi agad pero eto ikaw pa rin pala.
nagsimula tayo sa magkaibigan
Pero nagtapos tayo sa pagiibigan
Ang ganda po
ReplyDeleteGaling 💕
ReplyDeleteGaliingg
ReplyDeleteAwesomee <3
ReplyDeleteGalinggg <3
ReplyDeleteGreat 😊
ReplyDeleteGreat 😊
ReplyDeleteCommended
ReplyDeleteGalingg 😊
ReplyDeleteNicee
ReplyDeleteNiceeee
ReplyDeleteWoow
ReplyDeleteLodi gawa ka pa isa
ReplyDeleteLodi
ReplyDeleteGanda
ReplyDeleteHusay
ReplyDeletegaling
ReplyDeleteYuku na. Ginalingan na sa spoken words.
ReplyDeleteGaling!
ReplyDeletePetmalu
ReplyDeleteLodi
ReplyDeleteNicee
ReplyDeletegreat
ReplyDeleteWoaaaah
ReplyDelete